Tugna

VM Tugna nag-file ng COC, itutuloy tagumpay sa pagseserbisyo

141 Views

OPISYAL nang naghain ngayong Lunes ng kanyang certificate of candidacy si Bocaue Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna para sa kanyang ikalawang termino sa serbisyo publiko.

Nangako si Tugna, isang three-term congressman sa ilalim ng Citizens BattlE Against Corruptio (CIBAC) Partylist, na ipagpapatuloy ang kanyang tapat na paglilingkod sa mga Bocaueño lalo na ang mga nagawa sa pagpapabilis ng paghupa ng pagbaha, paglikha ng trabaho, pagbibigay ng livelihood projects, pagpapabuti ng kalusugan at pagbibigay ng libreng serbisyong legal.

Muling tatakbo si Tugna sa ilalim ng pangunguna ni Mayor Jonjon JJV Villanueva.

Binigyang-diin ni Tugna ang kahalagahan ng pagkakaisa at sinabi niyang ang mga tagumpay na proyekto sa pagseserbisyo sa kanyang unang termino ay bunga ng pagtutulungan nila ni Mayor Villanueva at ng mga konsehals ng Team Solid Lingkod bayan.

“Sama-sama nating pinaglingkuran ang mga Bocaueño at tinugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa abot ng aking makakaya. Ang mga nagawa natin ay patunay ng kakayahan nating makamit ang progreso sa pamamagitan ng tunay na pagtutulungan,” sabi ni Tugna.

Sa pamumuno ni Tugna, malaki ang naging pag-unlad sa paglutas ng mabagal na paghupa pagbaha sa Bocaue. Ang mga proyekto sa dredging na pinangunahan niya, katuwang sina Mayor Villanueva at mga konsehals ng Team Solid Lingkod bayan ay nagresulta sa mabilis na paghupa ng baha tuwing malakas ang ulan, na nagbigay-ginhawa sa mga residente. Bukod sa kaligtasan at kaginhawahan, ang mga pagsisikap na ito ay nagbigay-proteksyon din sa mga negosyo at kabuhayan mula sa matagal na pagkagambala dulot ng pagbaha.

Bukod dito, nakatuon din si Tugna sa pag-aangat ng kabuhayan ng mga Bocaueño sa pamamagitan ng mga inisyatiba niya sa paglikha ng trabaho at iba pang livelihood projects. Sa suporta ng lokal na pamahalaan at ng Team Solid Lingkod Bayan Councilors, ang kanyang mga programa ay tumulong sa maliliit na negosyo at nagkaloob ng trabaho para sa mga residente na malaking tulong para sa mga pamilya. Nagkaroon din ng direktang benepisyo ang kanyang mga inisyatiba sa kalusugan at edukasyon ng mga Bocaueño, kung saan tumaas ang halaga para sa medikal na tulong at dekalidad na edukasyon nang walang labis na pasanin sa gastusin.

Binigyang-diin ni Tugna ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga programa, na ang kanyang muling pagkahalal ay magbibigay-daan upang lalo pang mapalawak ang mga tagumpay at maghatid ng makabuluhang progreso sa Bocaue. “Hindi pa tapos ang ating trabaho. Nakita ko po mismo kung paano nagkaroon ng pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan ang ating mga inisyatibo at programa at determinado akong magpatuloy upang buuin ang isang mas matatag, masagana, at nagkakaisang Bocaue,” ani Tugna.

Binigyang-diin din ni Tugna ang kanyang dedikasyon sa integridad, mabuting pamamahala at may pusong serbisyong pampubliko, na laging inuuna ang kapakanan ng mga Bocaueño. “Naniniwala ako sa pamumunong tapat, mapanlahok at nakatuon sa aktuwal na resulta. Habang hinaharap natin ang mga hamon, determinado akong ituloy ang aming nasimulan nina Mayor Jonjon JJV Villanueva at Team Solid Lingkod Bayan Konsehals. Katuwang ang bawat Bocaueño, makakaasa ang lahat na ipagpapatuloy ang serbisyong may malasakit, upang lumikha ng pangmatagalang positibong pagbabago para sa ating bayan.”

Nanawagan si Tugna sa mga Bocaueño na samahan siya sa pagpapatuloy ng kanilang nasimulan—isang paglalakbay ng malasakit at pagmamahal sa kapwa, katatagan, pag-unlad at pag-asa. ” Nakabuo na po tayo ng pundasyon at madami na po tayong nagawa simula ng tayo ay nagsimula nuong July 1, 2022 as vice mayor. Pero madami pa din po ang mga kababayan nating Bocaueño ang nangangailangan ng tulong at madami pa po tayong magagawa at mai-aambag sa bayan. Kaya po ako ay muling nag-aalay ng aking sarili bilang Vice Mayor.

Sa inyo pong tiwala, patuloy nating haharapin ang mga hamon at lilikha ng mas magandang bukas para sa lahat.”