Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
VMX silip

VMX na pelikula tungkol sa kung ano pa di natitikman, yun ang pinakagusto natin

Ian F Fariñas Nov 30, 2024
26 Views
VMX1
my boyfriend is a sex worker

Ngayong Disyembre, abangan ang ‘Silip’ sa VMX at ‘My Boyfriend Is a Sex Worker’ sa VMX Plus — dalawang kapana-panabik na pelikula na magpapainit ng inyong holiday season.

Minsan sa buhay, ang pinakagusto natin ay ang mga bagay na hindi pa natin natitikman. Ganyan ang kuwento ng pinakabagong VMX movie nina Rica Gonzales at Karl Aquino na streaming exclusively sa VMX sa December 3.

Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr., ito ay tungkol kay Joel (Aquino), may-ari ng isang paresan sa tapat ng apartment ng dalagang matagal na niyang inaasam-asam.

Ang babaeng ito ay si Rose (Gonzales), na isa palang prostitute na siniserbisyohan ang kanyang mga kliyente sa kanyang apartment.

Ang mga kliyenteng ito ay kumakain sa paresan ni Joel pagkatapos makapiling si Rose. Habang kumakain, magkukuwento ang mga kliyente ni Rose at aalalahanin kung gaano ito kagaling sa kama at kung paano sila napapaligaya ng dalaga.

Sa pakikinig ni Joel sa mga kuwento, mas titindi pa ang pagnanasa at pagpapantasya niya kay Rose.

Aayon naman ang panahon sa kanya dahil magkakakilala sila ni Rose minsang kumain ito sa kanyang paresan.

Ano kaya ang gagawin ni Joel para makasama ang babaeng matagal na niyang hinahangad kahit na isang gabi lamang? Ano ang handang bayaran ni Joel para makasama si Rose? Paano maiiba ang trato ni Rose kay Joel sa iba niyang kliyente?

Alamin at panoorin ang ‘Silip’ simula December 3.

Samantala, may maiipit sa pagitan ng pag-ibig at pamilya sa ‘My Boyfriend is a Sex Worker,’ isang romantic dramedy mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal. Eklusibong mapapanood ang Part 1 nito on demand sa VMX Plus simula December 6.

Bibida si Topper Fabregas bilang si Ace na mula sa mayamang Mendoza family. Tila isa siyang perpektong anak dahil nasa kanya na ang lahat. Nagtapos siya with honors sa pag-aaral; kumikita nang malaki sa trabaho; at proud sa kanya ang pamilya, lalo na nang mag-out siya bilang gay.

Ang makapangyarihang pamilyang Mendoza ay wala nang hihilingin pa kay Ace. Pero magbabago ang lahat nang ipakilala ni Ace ang boyfriend na si Gio (Kurt Kendrick).

Kahit hindi galing sa maimpluwensiyang pamilya, makukuha ni Gio ang loob ng pamilya ni Ace dahil na rin sa kanyang charm at personality. Tila perpekto ang lahat para sa dalawa — hanggang sa matuklasan ng pamilya ang katotohanan kay Gio: Isa pala siyang adult content creator at sex worker.

Maiipit si Ace sa pagmamahal kay Gio at sa kanyang pamilya, lalo pa at ang kanyang ina na si Angelica (Marnie Lapus) ay gagawin ang lahat para paghiwalayin sila.

Samantala, ayaw ni Gio na maging dahilan para magkalamat ang relasyon ni Ace sa pamilya nito.

Sa gitna ng pag-ibig at pamilya, ipaglalaban ba nina Ace at Gio ang isa’t isa, o susukuan nila ang kanilang relasyon?

Kasama rin sina Omar Flores, Adrienne Vergara at Bob Jbeili, mapapanood ang Part 1 ng ‘My Boyfriend is a Sex Worker’ sa VMX pay-per-view simula December 6, habang ang Part 2 nito ay malapit na ring ipalabas.