PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
VP-elect Duterte nanumpa na sa tungkulin
Ryan Ponce Pacpaco
Jun 20, 2022
617
Views
NANUMPA na sa tungkulin si outgoing Davao City Mayor Sara Duterte bilang ika-15 Bise Presidente ng Pilipinas.
Kasama ni Duterte sa entablado ang kanyang inang si Elizabeth Zimmerman na humawak ng Bibliya na kanyang pinagpatungan ng kaliwang kamay at amang si outgoing President Rodrigo Roa Duterte na nagsilbi namang saksi.
Pinangasiwaan ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando ang panunumpa ni Duterte sa isang seremonya sa San Pedro Square sa Davao City.
Bago ang oath-taking ceremony ay isang misa ang idinaos sa Metropolitan Cathedral na malapit lang sa lugar.
Bukod sa pagiging Bise Presidente, si Duterte ay itatalaga rin bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

