Sara

VP Sara caretaker habang wala si PBBM

192 Views

SI Vice President Sara Duterte ang magsisilbing caretaker ng gobyerno habang nasa ibang bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Umalis ang Pangulo araw ng Miyerkules patungong Cambodia para dumalo sa ASEAN Summit.

Gagamitin umano ni Marcos ang pagkakataon upang itulak ang promosyon at proteksyunan ang interes ng bansa.

Tatalakayin umano sa pagpupulong ang regional cooperation sa maritime security, climate change, food security, kooperasyon sa kalusugan, at economic recovery mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.