Delima

VP Sara Duterte pinagbibitiw ni de Lima bilang DepEd chief

Chona Yu Apr 22, 2024
34 Views

SaraMATAPOS aminin ni First Lady Liza Marcos na bad shot na sa kanya si Vice President Sara Duterte, pinagbibitiw na ni dating Senador Leila de Lima ang bise presidente bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay de Lima, dapat na mamili si Duterte kung kakampihan ang pamilya na bumatikos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o kondenahin ang anti-administration rallies kung nais nitong manatili bilang miyembro ng Gabinete.

Para kay de Lima, tila namamangka sa dalawang ilog si Duterte.

Malinaw din aniya na ang loyalty ni VP Sara ay nasa kanyang pamilya na tahasang nambabatikos kay Pangulong Marcos at kabilang sa mga sinasabing nananawagan para maalis sa puwesto ang punong ehekutibo.

Hindi nagustuhan ni First Lady Liza ang pagtawa ni Duterte nang tawaging bangag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Marcos.