Sara

VP Sara nagpasalamat sa suporta ng LMP sa educ recovery plan

205 Views

NAGPASALAMAT si Vice President Sara Duterte sa mga chief executive ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang suporta sa education recovery plan ng Department of Education.

“Let me express my gratitude for your invaluable efforts that led to the successful implementation of our basic education learning recovery plan,” sabi ni Duterte sa 2023 League of Municipalities of the Philippines’ General Assembly.

“Nagpapasalamat po kami sa suporta ng maraming mga local government units na nagroll-out ng kanilang mga reading programs, math and science programs nila para sa kanilang mga learners,” ani Duterte.

Sinabi ni Duterte na malaki ang naitulong ng mga LGU sa pagbabalik ng face-to-face classes noong nakaraang taon.

“The Department of Education’s gargantuan task of shepherding 28 million learners back to school in August last year would not have been possible without your support,” sabi ng Bise presidente.

Ang Learning Recovery Plan ay isang mekanismo na binalangkas ng DepEd upang mahabol ng mga estudyante ang mga nawala sa kanilang pag-aaral bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Hinamon din ni Duterte ang mga miyembro ng LMP na pulungin ang kani-kanilang local school board at alamin ang mga pangangailangan ng mga pampublikong paaralan sa kanilang nasasakupan.

“While our President Ferdinand Marcos Jr. has committed to increase investments in education in the next six years, let me take this opportunity to enjoin our mayors to convene your local school board and evaluate the need of your local schools,” sabi pa ni Duterte na siya ring kalihim ng DepEd.

“Our schools in geographically isolated and disadvantaged areas are in dire need of your support. An investment in education secures the future peace and progress of your locality,” dagdag pa nito.