Calendar
VP Sara nakidalamhati sa pagpanaw ni Lydia de Vega
NAGPAHAYAG ng pakikidalamhati si Vice President Sara Duterte sa pagpanaw ng sports icon na si Lydia de Vega.
Sa pahayag na inilabas ni Atty. Reynold Munsayac, spokesperson ni Duterte, sinabi nito na hindi matatawaran ang ginawa ni de Vega para sa bansa.
“The Office of the Vice President extends its heartfelt condolences to the family of Filipino legendary sports icon Lydia de Vega,” sabi ng pahayag ng OVP. “We share the grief you feel over the demise of Ms. de Vega, and may you find comfort from a nation that mourns with you.”
Si de Vega ay nagsilbi umanong inspirasyon at nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na nais na maabot ang kanilang mga pangarap sa larangan ng sports.
Ayon pa sa pahayag, si de Vega ay nagsisilbing makinang na halimbawa ng isang Pilipino na nagmamahal sa bayan sa kanyang ginawang paglalagay sa mapa ng sports at patuloy umanong kikilalanin ng kanyang nagawa.
“She was a shining example of a Filipino who truly loved her country as she put the Philippines on the map of sports worldwide,” sabi pa nito. “Her legacy will always be cherished.”