Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Nation
VP Sara nakikipag-usap sa GSIS para sa paggamit ng Coconut Palace
Peoples Taliba Editor
Sep 29, 2022
548
Views
IBINAHAGI ni Vice President Sara Duterte na nakikipag-usap ito sa Government Service Insurance System (GSIS) para sa posibleng pagbili ng Office of the Vice President (OVP) sa Coconut Palace.
Kung matutuloy, ang Coconut Palace na ang magiging permanenteng opisyal na tahanan ng OVP.
Sinabi ni Duterte na bukod sa Coconut Palace ay tinitignan din ng OVP ang iba pang ari-arian ng gobyerno na maaaring bilhin ng OVP para maging permanenteng tanggapan nito.
Sa ilalim ng panukalang budget para sa 2023 ay mayroong nakalaan na P10 milyong alokasyon na gagamiting down payment sa bibilhing ari-arian ng OVP.
Kapag nakahanap na ng bibilhin ay hihingi umano ang OVP ng dagdag na pondo upang mabayaran ito.

