Pres Conference House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe

VP Sara, supporters binabaluktot ang katotohanan — Majority Leader Dalipe

49 Views

KINONDENA ni House Majority Leader at Zamboanga 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang pagpapakalat umano ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang mga kaalyado ng maling impormasyon kaugnay ng pagkakakulong ng kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez sa Kamara de Representantes.

“It is outrageous that Vice President Duterte and her supporters are distorting the truth. The House has always respected due process and upheld the legal rights of detainees,” giit ni Dalipe.

“The timeline clearly shows that the allegations of denying lawyers entry are baseless and untrue,” dagdag pa ng mambabatas.

Iginiit ni Dalipe na si Duterte mismo ang nagsilbing legal counsel ni Lopez sa kritikal na mga oras, kasama si Atty. Lito Go, na agad pinahintulutang makapasok sa loob ng Kamara pagdating niya.

“These claims are nothing but an attempt to tarnish the credibility of the House while ignoring the reality that legal representation was fully respected,” saad pa ni Dalipe.

Kinondena rin ng Majority Leader si Duterte dahil sa pagharang sa mga tauhan ng Kamara na ipatupad ang direktiba na ilipat si Lopez mula sa kustodiya ng Kamara patungo sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

“Instead of complying with lawful processes, the Vice President chose to hold a press conference at midnight. Is this the behavior of someone who respects the rule of law?” tanong pa ni Dalipe.

Nauna ng ipinag-utos ng House committee on good government and public accountability ang pagkakakulong kay Lopez matapos siyang i-cite for contempt sa isinagawang imbestigasyon kaugnay sa umano’y maling paggamit ni Duterte ng P612.5 milyon na confidential funds.

Subalit, dahil sa paulit-ulit na paglabag ni Duterte sa mga patakaran sa seguridad, kabilang ang kanyang pagpupumilit na samahan si Lopez, napagpasyahan ng komite na ilipat si Lopez sa Correctional Institute for Women. Ang paglilipat na ito ay hinarang ni Duterte, kaya’t naantala ang pagpapatupad nito.

Bilang kabutihang loob, nagpasiya si House Secretary General Reginald Velasco na unahin ang kalusugan ni Lopez at iniutos ang pansamantalang pananatili nito sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Ipinahayag ni Dalipe na hindi hahayaan ng Kamara na madungisan ang integridad ng institusyon dahil sa mga maling impormasyon.

“We urge the public to see through these blatant attempts to twist facts and derail the pursuit of justice,” giit pa ni Dalipe.