‘Wag sanang gayahin ng BBM supporters ang ‘Kabastusan’ ng Lugaw Warriors!

356 Views

Marlon PurificacionHINDI ko alam kung bakit hanggang ngayon ay walang malinaw na pahayag si Leni Robredo para sitahin, sawayin, pagalitan o pakalmahin man lang ang mga bastos nitong supporters na hayagang sinalbahe ang leading presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Sa mga nakakita ng ‘viral videos’ kung saan binato ng mga Leni supporters ang mukha ni BBM ng campaign flyers, malamang kahit hindi kayo tagasuporta ng UniTeam ay mate-turn off nang husto sa inasal ng mga Lugaw Warriors.

Nangyari ito sa kasagsagan ng UniTeam caravan sa Bacolod nitong nagdaang Miyerkules.

Sabi tuloy ng ilang netizens, “Galit kayo sa sinasabi n’yong magnanakaw, pero okay lang sa inyo ang maging bastos? Iyan ba ang itinuturo ni Bishop Soc Villegas na buong giliw kung siraan ang mga Marcos sa kanyang misa?,” anang isang netizen sa Tiktok!

Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na binastos si Marcos ng mga tagsuporta ni Leni.

Sa Makati sortie ng UniTeam, harapan ding nam-bully, sinigawan at inalipusta ng Pinklawan forces si BBM.

Ganundin sa campaign rally sa Caloocan City kung saan ay ilang bayarang grupo ang naglabas ng placard para ipahiya si Marcos.

Ang catch, talagang pina-media ops pa ito ng grupo ng anti-Marcos para ipakita sa madla kung gaano nila binabastos si BBM.

At tulad ng sinabi ko, walang pahayag si Leni para awatin at sitahin ang kanyang tagasuporta na para bang kinukunsinti pa nito ang kabastusan ng mga ito.

Bunsod ng pangyayaring ito, ako mismo ay nangangamba dahil hindi malayong gumanti ang ilang milyun-milyong supporters ni BBM.

Alam natin na kahit saan, kahit kailan, higit na marami ang bilang ng Marcos supporters kumpara sa mangilan-ngilang Lugaw Forces.

Kaya sakaling gantihan sila, baka mapahiya nang tuluyan si Leni lalo kung aabangan ng UniTeam followers ang bawat nilalangaw na sortie ni Robredo.

Mabuti sana kung ganun lang, paano kung magkasakitan pa?

Kaya sana ‘wag na ‘wag gagawin ito ng BBM supporters dahil malinaw ang panawagan ni Marcos na unity at humility.

Sa salitang tagalog, pagkakaisa at pagpapakumbaba ang mula’t mulang linya ni Marcos.

Na kahit anong ligwak, panlalait, pang-aalipusta at panduduro sa kanya ng mga kalaban, ang bukod tanging isinusukli ni Marcos ay unity.

Paano kung gumaya ang iba pang tagasuporta nina Isko Moreno, Ping Lacson at Manny Pacquiao?

At sila rin ay mambastos sa alinmang campaign sortie ng kanilang kalaban?

Malamang sa malamang, malaking gulo ito!

Sabi ko tuloy sa aking sarili, hindi kaya paraan na ito ng grupo ni Leni para magkagulo at hindi na matuloy ang eleksiyon?

Kaya panawagan ko sa lahat ng supporters nina Marcos, Isko, Ping at Pacquiao, huwag na huwag n’yo pong gagayahin ang kabastusan ng kampo ni Leni.

Manatili tayong kalmado, maayos, disente at maka-Diyos!

‘Wag nating gagayahin ang hunyangong kandidato na nandaya na nung nakalipas na 2016 national elections ay gusto pang ipahamak ang taumbayan sa isang malaking kaguluhan!