Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Wagon

Wagon pinakialamang i-drive ng sekyu, humarurot, 1 patay

Edd Reyes Apr 15, 2025
24 Views

TIGOK ang isa sa limang pedestrians na nasalpok ng Isuzu wagon na minamaneho ng 60-anyos na security guard noong Lunes sa Makati City.

Hindi na umabot ng buhay sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang 50-anyos na ginang na si alyas Abellar at sugatan naman sina alyas Rhea, 45; Delia, 52; at Christopher, 25, na nagtamo ng sugat sa katawan.

Sugatan din sa insidente ang 63-anyos na pasahero ng wagon na si alyas Jayamaha matapos aaruhin ang bakod na bakal bago bumangga posteng bakal.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) director P/BGen. Joseph Arguelles, nakahimpil ang wagon sa P. Burgos St. kanto ng Magsaysay St. Brgy.. Guadalupe Nuevo nang pakialamang i-drive ng security guard na si alyas Lovite upang hindi maharangan ang binabantayang establisimyento dakong alas-4:50 ng hapon.

Pero sa halip na i-atras lang ng bahagya, biglang humarurot ang sasakyan patungong EDSA at nahagip ang mga naglalakad na biktima na naging sanhi ng pagkasawi ng isa bago tuluyang huminto nang bumangga sa bakal na poste.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with multiple physical injuries and damage to property ang sekyu sa Makati City Prosecutor’s Office.