Calendar

Wala nang magagawa si Digong, VP Sara
MAGANDANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng mundo.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Mama Aki ng Ihawan,Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang patuloy na nakaalalay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
God Bless!
****
Sa tingin natin pagkatapos ng eleksyon ay maraming makikipag-alyansa kay House Speaker Ferdinand Martin G.Romualdez.
Wala tayong nakikitang dahilan para palitan si Speaker Romualdez sa pagbubukas ng 20th Congress.
Naipakita na ni Speaker Romualdez ang kanyang kakayahang pamunuan ang Kamara de Representante.
Kaya naman buong-buo ang suporta at tiwala ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamumuno ni Romualdez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay inaasahang magiging smooth sailing ang passage ng mga legislative agenda ng administrasyon.
Mananatili ang suporta ng House of Representatives sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa totoo lang, kailangan naman talagang magtulungan ang mga kongresista at Punong Ehekutibo para mabilis na maipatupad ang mga programa at serbisyo na kailangang-kailangan ng taumbayan.
Walang mangyayari kung lagi nilang aawayin ang mga nasa administrasyon para lang i-please ang mga nasa political opposition.
Wala ng magagawa si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Bise Presidente Sara Duterte.
Si Digong ay nakakulong sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Si Inday Sara naman ay baka matanggal pa sa puwesto o makulong din sa ICC.
Bago problemahin ng mag-ama ang mga kaalyado ay uunahin muna nilang asikasuhin ang kani-kanilang problema.
***
Sa isang buwan ay balik-eskuwela na ang ating mga mag-aaral sa buong bansa.
Mainam nga at ibinalik na sa dati ang pagbubukas ng school year sa bansa.
Dahil sa COVID-19 pandemic na pumatay ng maraming tao sa buong mundo ay nabago ang pagbubukas ng klase sa bansa.
Maraming magulang, mag-aaral at guro ang humiling sa Department of Education (DepEd) na ibalik sa Hunyo ang opening ng bagong school year.
Sobra daw ang init ng panahon sa mga buwan ng Abril at Mayo.
Kaya nga nitong nakaraang Abril ay napilitan pa ang mga ototrdad na i-suspend ang face-to-face classes sa maraming lugar dahil sa sobrang init ng panahon.
Marami sa mga nag-suspend ng F2F classes ay public schools dahil sa sobrang init sa loob ng classrooms.