Dara

Wala raw balak mag-asawa pero Sandara Park, bakit nakadamit-pangkasal?

Eugene Asis Jan 2, 2024
184 Views

Dara1Dara2ANG South Korean idol, actress, and Pambansang Krung Krung na si Sandara Park ay naging busy nitong 2023. Mula sa pagri-release ng kanyang self-titled EP (featuring the single “Festival,” which samples Uhm Jung-hwa’s 1999 song of the same name) hanggang sa sunud-sunod na pagtatanghal, walang hinto ang mga bagay-bagay para sa kanya.

Ngayong taong ito, nakalinya na rin ang mga project para sa kanya.

Kabilang si Sandara (o mas kilala bilang Dara sa South Korea) sa mga magtatanghal sa 33rd Seoul Music Awards, na magaganap sa Bangkok. Kabilang si Dara sa 200 guest artists na kinabibilangan din nina GOT7 members Youngjae and BamBam, Tiffany Young, NCT Dream, Kang Daniel, at marami pang iba.

Para naman sa kanyang susunod na album, plano ni Dara na magpakita ng mas mature and edgier concept.

Samantala, pagkatapos ng kanilang surprise reunion performance sa Coachella noong 2022, nagpahiwatig si Dara ng isang posibilidad sa pagbabalik ng kanilang girl group na 2NE1. May mga kasalukuyan nang pag-uusap sina Dara, CL, Minzy, at Bom tungkol dito.

Dahil sinabi niya sa isang interview na wala siyang balak mag-asawa, nagulat ang marami nang mag-post si Sandara na nakasuot ng isang eleganteng aqua-colored floor-length gown, na may caption na ‘Bridesmaid.’ Well, ito pala ang isusuot niya sa kasal ng kanyang kapatid, ang dating miyembro ng grupong MBLAQ na si Thunder sa dating Gugudan member na si Mimi. Wala pang date ang kasal pero magaganap ito ngayong 2024.