PAGASA Larawan: PAGASA/FB

Walang binabantayang bagyo, LPA sa bansa — PAGASA

76 Views

Walang namo-monitor na Low Pressure Area (LPA) ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng maging bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Biyernes, Nobyembre 13, 2026, batay sa Tropical Cyclone Formation Outlook na inilabas alas-8 ng umaga.

Sa 24-hour public weather forecast, sinabi ng PAGASA na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern Luzon, habang easterlies naman ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. Posible ang pagbaha at landslide sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, na may isolated rain showers o thunderstorms. Nagbabala rin ang ahensya sa posibleng flash floods o landslide kapag malakas ang thunderstorm.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather update para sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.