Calendar
WALANG HIMALA!! Mrs. Robredo nilaglag na ng Amerika?
MAGING angkop ang diwa ng Kwaresma sa kalagayan ngayon ng kampanya ni Gng. Leni Robredo. “Kalbaryo” ang salitang pumapasok sa isipan. Yun nga lang ay tila hindi ito humantong sa Pasko ng Pagkabuhay. Sa halip, isang walang – katapusang purgatoryo ang hinaharap nito.
Bakit ika ninyo? Umpisahan natin sa simula.
Ang pinag-ugatan ng pasya ni Gng. Robredo na sumabak sa halalang-pampangulo ay ang pagnanasang talunin o biguin si Ferdinand R. Marcos, Jr. at hindi ang kabutihan ng bayan. Marahil pumasok sa isip niya na “kayang-kaya kong talunin ang “trying hard” na ito!” At bakit nga naman hindi? Di nga ba’t “natalo” niya si BBM nung 2016? Salamat po, diumano, sa SMARTMAGIC at sa noon ay COMELEC chair Andy “Latigo” Bautista.
Fast-forward tayo sa 2021 at sa kasalukuyang panahon ng kampanya.
Sa simula’t simula pa ng ay tila sunod-sunod ang dagok at sablay ang sinapit ng kampanya ni Gng. Robredo. Una ay yung serye ng patalastas na nauwi sa mga kaawa-awa at kamot-ulo na video tulad ng di-maintindihang anime at kung-anu-ano pang palpak na patalastas. Hindi ikinatuwa dito ng karamihan sa madlang mamamayan. (Salamat dito, Bam Aquino – Campaign Manager). Sa kabilang dako naman, ang kampanya ni BBM ay tumuon sa iisang paksa: Pagkakaisa, na bukod sa madaling maintindihan at tila malugod na tinanggap ng marami.
Nguni’t ang higit na nakasira sa kampanya ni Gng. Robredo ay walang iba kundi ang inasal ng kaniyang pinakamasusugid na parokyano. Ang mga deboto ng kultong kulay-Rosas. Opo, KULTO. Isang kulto na may doktrina ng paninira at panlalait. Paninira at panlalait kay BBM, pati na sa naniniwala sa kaniya. Katibayan nito ay ang mapupusok na asal nila laban sa mga kapanalig ng BBM-SARA, tulad nung pobreng jogger sa UP Diliman na hinarass ng jogger na pinklawan. Maging ang inyong abang lingkod ay hindi nakaiwas sa ganitong pag-trato, at hindi lang sa social media.
Papaano nagkaganito ang kampanya ni Gng. Robredo?
Ang aking mapangahas na opinyon ay ito: walang nailahad na kongkretong nagawa si Gng. Robredo upang maging karapat-dapat maging pangulo. At hindi rin katanggap-tanggap ang kaniyang pinakitang asal, lalo na ang manira ng kapuwa para lang makapuntos. Dahil dito, hindi na tayo dapat magtaka sa kaniyang mga tagapag-sunod dahil ang kultura ay lumalarawan lamang sa asal ng pinuno: “Culture is the behavior of leaders.”
Halos dalawa’t kalahating linggo na lamang ang nalalabi bago maghalalan, bakas na bakas ang pagka-bahala sa Team ni Gng. Robredo. Kulelat pa rin sa survey. At hindi lang nangunguna si BBM, lamang siya ng kilo-kilometro.
Kamakailan tila kumambyo rin ang direksyon ng kampanya ni Gng. Robredo. Sa halip na ituloy yung istilong mapanira, palaban at agresibo, mismong hiniling ng pamunuan ng Team Robredo – at ang anak niya mismo – na magbahay-bahay upang hikayatin ang hindi nila kapanalig na iboto si Leni. Ngunit hindi nagtagal ay pumalpak din ito dahil tila masyado nang malalim ang mga sugat ng kanilang inalipusta.
At ang pinakahuli ay ang pinakalat na balita na may “sex video” ang anak ni Gng. Robredo na diumano ay ipinakalat mismo ni BBM! Papaano sila nauwi sa ganito? Pati anak na babae ay inilulugmok sa imburnal ng pulitika?
Unang-una, maliwanag na walang pakinabang sa kampanya ni BBM ang ganitong gawain lalo na’t napakalaki na ng lamang niya sa survey. Pangalawa, Sapul pa sa simula ay ni minsan hindi nakisawsaw ang kampanya ni BBM sa paninira at tuligsa. Nunca! Ngayon pa?
Naisip tuloy ng marami na pakawala ng kampo ni Gng. Robredo ang balitang ito upang kaawaan siya sa pamamagitan ng pagbastos sa kaniyang anak na dalaga. Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang. Latay, ika nga. Nakakahiya!
At para sa may alinlangan, I-google ninyo ang paksa. Garantisado na wala kayong makikitang video. Sa halip ay mga link (kahit sinong celebrity ay mayroong fake na sex video) na malamang ay may virus o malware. At isa sa mga punong may-akda nito ay isang “Boy Kuryente” na kandidato sa pagka-senador sa tiket ni Gng. Robredo.
Kaya heto na Tayo. Kwaresma 2022 Nagkaroon ba ng Pasko ng Pagkabuhay ang ambisyon ni Gng. Leni Robredo na maging pangulo ng ating Republika?
Malinaw na wala. Sa halip ay nawalan pa ng buwelo o momentum ang kampanya ni Gng. Robredo. Katibayan nito ay asunod-sunod na pagsara ng kanilang mga campaign headquarters. Dito na lamang sa Maynila at QC, marami nang HQ ang nilalangaw, hudyat ng kakulangan ng pondo.
Sunod-sunod na din ang pag-hanay kay BBM-SARA ang mga LGU sa buong kapuluan, tulad ng CEBU, CAVITE, PANGASINAN at PAMPANGA. Humigit kumulang sa 91% ng gubernador ng iba’t ibang lalawigan ang nakipag-taas kamay na sa BBM-SARA.
At ngayon, dahil uso na rin lang ang laglagan, pati ang Amerika tila tanggap na ang napipintong tagumpay ng BBM-SARA. Narito ang katibayan
Walang iba kundi ang New York Times ang nagsabi na:
“Ferdinand Marcos Jr. has spent his political career trying to rehabilitate the family name. As the front-runner in the upcoming election, he may finally succeed.”
Sa wikang Pilipino:
“Sa kaniyang buong buhay-pulitikal sinikap niyang linisin ang pangalang ‘Marcos.: Bilang nangungunang kandidato sa darating na halalan, sa wakas, malamang na siya’y magtagumpay.”
Para sa ating kaalaman, ang New York Times ay ang pangunahing pahayagan sa Amerika. Kadalasan, to ang unang nagpapahiwatig ng saloobin ng pamahalaang USA sa mga mahahalagang issue tulad ng digmaan Russa-Ukraine, at iba’t ibang foreign policy issue. Kaya ayan.
Para kay Gng, Robredo, walang himala.
Hanggang dito na lamang mga kababayan, kasangkayan at paisano. Amping ta kanunay. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!