Calendar

Walang maparadahan namaril sa Caloocan, arestado
ARESTADO at nahaharap sa kasong frustrated murder at physical injury ang lalaki na dalawang beses binaril ang nakaalitan at nakatama pa ng dalaga sa Langara St., Caloocan City noong Sabado.
Nakilala ang biktima na si alyas John, 45, at si alyas Che ang dalaga na tinamaan ng stray bullet.
Naaresto ang suspek na si Gregorio Tabago, 44, batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., station commander ng Manila Police District.
Naaresto ang suspek alas-4:00 ng hapon sa tulong ni Police Major Adobis Sugui ng Northern Police District.
Dakong alas-10:10 ng umaga nangyari ang pamamaril sa panulukan ng Lallaña at J.P. Rizal Sts. sa Brgy. 104, Tondo
Ayon sa report, walang maparadahan ang suspek ng kanyang motorsiklo kaya nagalit at umuwi ng bahay. Pagbalik may dala ng baril ang suspek.
Sa kuha ng CCTV, tinutukan at pinutukan ng dalawang beses ng suspek ang biktima na tinamaan sa tiyan at binaril pa uli na tumama sa 20-anyos na dalaga.