Phivolcs

Walang teknolohiya saan mang bansa na makapagsasabi kelan, saan lilindol

109 Views

NAGPAALALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na huwag maniwala sa mga ulat na may mangyayaring malakas na lindol mula sa unconfirmed, unreliable at polluted sources.

Sinabi ng Phivolcs na walang teknolohiya saan mang bansa sa mundo na makapagsasabi kung kailan at saan mangyayari ang isang lindol.

Hinimok din nito ang lahat na huwag mag-share o mag-forward ng anumang hindi verified na impormasyon dahil maaaring magdulot ng takot, tensyon, panic at pagkalito ang ganitong impormasyon sa publiko.

Anang Phivolcs, importante pa rin ang pagkakaroon ng tamang kaalaman at sapat na paghahanda upang ligtas sa panganib ng lindol.

Payo pa ng Phivocs sa publiko, bisitahin ang kanilang website at opisyal na mga social media account para sa tamang impormasyon at gabay.