Sec, Ralph Recto Sec. Ralph Recto

Walang trabaho kumonti, patunay na PBBM seryoso lutasin unemployment — Recto

84 Views

SERYOSO ang kasalukuyang gobyerno ni Pangulong Marcos Jr. na resolbahin ang kawalang trabaho ng marami, kung kayat bumagsak ang unemployment o kawalan ng hanapbuhay base sa datus ng 3.1% sa kauna unahan pagkakataun, matapos ang higit sa dalawang dekada.

Ayon sa Kalihim ng Finance na si Sec. Ralph Recto at NEDA Chief Arsenio Balisacan, ito na ang pinakamababang ratio ng walang hanapbuhay kung saan ay kinumpirma ng maraming Pilipino kamakailan lamang na marami sa kanila ay nakabalik na sa kanilang pinagkakakitaan at maluwag na rin na nakapaghahanap buhay.

Sinabi ni Sec. Recto na magandang palatandaan ito dahil ito aniya ay nangangahulugan na malalabanan na ang gutom ng karamihan at maaabot na natin ang layunin para umaangat ang ekonomiya.

Ani Recto, mahalagang makuha natin ang average growth o paglaki ng bansa na hindi bababa sa 6-7% sa darating pang apat na taun at makahabol sa target na “A” sa ating credit card rating sa buong mundo.

“Ang nais ni Pangulong Marcos ay mapababa ng husto ang kahirapan sa bansa para sa mamamayan at ito ang kanyang target na bago matapos ang kanyang administrasyon ay mahila niya ito ng single digit na bababa sa 9% . Sa kasalukuyan ito ay 15.5 % poverty rate,” paglalahad ni Recto sa mismong pagdinig na nakatuon sa National Budget para sa taong 2025.

Sinusugan pa ito ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli M. Remolona Jr. kung saan ay sinabi nitong hindi lang A ang hinahabol nila kundi “AA” upang mas ibaba pa ang ating borrowing cost na magiging daan para mas maenganyong pumasok ang mga investor o mamumuhunan sa ating bansa.

Sinabi rin ni Remolona na maraming kadahilanan kung bakit apektado ang exchange rate ng dollars sa peso sa kasalukuyan. Inisa isa niya ang mga ito tulad aniya ng aksyon ng America sa US Federal reserves kung saan ay apektado ang galaw nito dahil sa geopolitical tensions na nag ugat sa mga kaguluhan tulad ng sa : Ukraine, Iran-Israel-Hezbollah-Gaza tensions na apektado ang galawan ng dolyar pati na rin aniya ng ating peso.

“And there are local factors too such as the Philippine inflation rates, the balance of payments(excess of imports over imports) and the BPO dollar revenues, as well as OFW remittances.” ani Recto.

Aminado si Recto na tama si BSP Gov. Remolona sa pagsabing dapat natin taasan ang ating grado sa ating credit rating at hinimok din niya ang Kongreso na ipasa ang mga nakabinbin pang mga batas tulad ng revenue measures sa Kongreso na may kaugnayan sa mga sumusunod : excise tax on single-use plastics, rationalization of the mining fiscal regime, package 4 of the Comprehensive Tax Reform Program at amendments to the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

Inilahad din ng mga think tank sa Finance ng kasalukuyan gobyerno ang mid-year total revenue ng bansa na lumago ng 15.6 percent at may katumbas na P2.15 trillion.

Wala aniyang dahilan para mag alala sa kasalukuyan dahil na rin sa walang palyang pagbabayad ng gobyerno sa mga utang na ginawa ng nakaraang administrasyon.

Ayon naman kay NEDA Chief Arsenio Balisacan, ang kasalukuyang datus sa kahirapan ay masosolusyon na at mataas aniya ang posibilidad na maabot ng administrasyon Marcos ang target nitong maging 15% o ang single digit poverty rate na gustong mangyari ng Pangulong Marcos jr., bago matapos ang kanyang termino sa Malakanyang.

“And this will be attained by pursuing a sustained economic growth, growth that is inclusive where no one is left behind, via social protection programs such as 4Ps, the Ayuda para sa taumbayan and the creation of high quality jobs.” ani Balisacan.

Ipinaliwanag din ni Balisacan na ultimo mga cigarette vendor ay binigyan halaga at dignidad ng ating gobyerno at itinuturin silang mga self-employed at hindi pabigat sa lipunan dahil sa pagsisikap ng mga ito na magbigay ng karagdagan kita sa ating bansa at nakatutulong anila ito sa ekonomiya.

Pinuri din ni Sen Juan Miguel Zubiri ang kasalukuyang paggalaw ng ekonomiya kung saan ay sinabi rin niyang malaking ang kontribusyon ng ating OFW at ang mga remittances na ipinadadala ng mga ito.

Sinabi rin ni Zubiri na nasaksihan niya mismo kung paano nililigawan ni President Ferdinand Marcos Jr., ang mga investors upang mamuhunan sa bansa at kung papaano niya ito napapapayag na bigyan ng pansin ang Pilipinas ng mga ito.

Para naman kay Sen Risa Hontiveros ito na aniya ang panahon upang umapela sa economic team ng pamahalaan na lagyan ng tamang stratehiya ang kanilang mga pamamaraan upang maiangat ng husto ang ating bansa patikular ang mga tamang pagpaplano na dapat isagawa ng Department of Finance, Department of Budget and Management, gayundin ng National Economic and Development Authority.

“It is important for the government’s economic team to be more aligned in their strategic priorities for the country’s economy as this will serve as a guide for lawmakers during the budget process,” ani Hontiveros.