Mapa

Walang trabaho kumonti—PSA

116 Views

BUMABA umano ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa ang bilang ng mga edad 15 pataas na walang trabaho ay bumaba sa 2.26 milyon noong Abril 2023 mula sa 2.76 milyon noong 2022. Ito ay 4.5% ng 50.31 milyong indibidwal sa labor force.

Mas mababa rin ito sa 2.42 milyong walang trabaho noong Marso 2023.

Ang bilang naman ng mga may trabaho ay naitala sa 48.06 milyon (95.5%) mas mataas kumpara sa 45.63 milyon (94.3%) noong Abril 2022.

Pinakamarami ang mga manggagawa sa service sector (61.1%), na sinundan ng agriculture (21.9%) at industry sector (17%).