Wanted na ‘rapist’ sa Batangas, arestado.

156 Views

Inaresto ng mga awtoridad ang isang 34-anyos na wanted sa kasong panggagahasa na ilang linggong umiwas sa batas sa Batangas City, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ni Batangas City Police Station Chief PLt. Col. Salvador E. Solana ang akusado na si Darwin Rosales, binata, construction worker, at nakatira sa Bgy. Sta Karsada, sa lungsod na ito.

Ang pulisya ng lungsod sa pangunguna ni PCMS Paulino A Eje, kasama ang 1st Batangas Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pangunguna ni PSSg. Louie Francis Gonzales, PMFC sa pangunguna ni PSSg. Louie Francis Gonzales – armado ng warrant of arrest dahil sa panggagahasa ay nagsagawa ng manhunt operation dakong alas-10:20 ng umaga sa Grand Terminal sa Bgy. Alangilan at nahuli ang suspek.

Ang warrant ay inisyu ni Judge Catherine R. Mariño Monsod ng Regional Trial Court Branch 8, ng Batangas City noong Pebrero 22, 2022, na walang inirekomendang piyansa.

Sinabi ni Lt. Col. Solana na nakalista ang suspek bilang rank no. 7 most wanted person sa regional level. Kasama si Joanne Rosario, OJT