Suspek

Wanted sa Negros, laglag sa Malabon matapos isang taon

Edd Reyes May 26, 2025
29 Views

NAARESTO ng mga pulis ang suspek sa kasong acts of lasciviousness sa Negros Occidental matapos ang mahigit isang taong pagtatago noong Linggo sa Malabon City.

Dakong alas-5:00 ng hapon ng mahulog sa kamay ng mga parak-Malabon si alyas Kadyo, 56, sa Brgy. Panghulo.

Sinabi ni P/Col. Jay Baybayan, hepe ng Malabon police, na nakakuha sila ng warrant of arrest mula kay Sipalay City, Negros Occidental Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Edwin Balanday Gomez ng Branch 77 laban kay alyas Kadyo para sa dalawang bilang ng kasong acts of lasciviousness.

May inilaang piyansa na P216,000 ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado, ayon sa report.