Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Wanted sa rape nasakote sa San Pedro
Gil Aman
Jan 20, 2025
513
Views
CAMP BGEN Paciano Rizal–Nalambat ang lalaking akusado ng rape at lascivious conduct sa San Pedro City, Laguna noong Huwebes, ayon kay Laguna police provincial director PCol. Ricardo Dalmacia.
Sa ulat ng San Pedro City police, nahuli si alyas Alexander ng Warrant Operatives/Trackers Team dakong alas-12:30 ng tanghali sa Brgy. Poblacion, San Pedro City, Laguna.
Ikinasa ang manhunt sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 169, San Pedro City, Laguna na nilagdaan ni Judge Nida Tabuldan-Gravino.
Nahaharap ang akusado sa kasong qualified rape by sexual assault (6 counts) at lascivious conduct (3 counts).
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro police ang arestadong akusado.
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

