Calendar
War on drugs campaign ginagamit lang nina Digong at Sen. Bato para patahimikin ang mga kalaban sa politika
๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ๐ผ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐ผ ๐ฅ๐ผ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ป. ๐ฅ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ฑ “๐๐ฎ๐๐ผ” ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐ฃ๐ก๐ฃ) ๐๐ต๐ถ๐ฒ๐ณ ๐ฎ๐ป๐ด “๐๐ฎ๐ฟ-๐ผ๐ป-๐ฑ๐ฟ๐๐ด๐” ๐ฐ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ด๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ผ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฒ๐ธ๐๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ธ๐ถ๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐ผ.
Ito ang isiniwat ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa imbestigasyon ng House Quad Committee na ang madugo at marahas na war-against-drugs campaign na pumatay ng libo-libong inosenteng sibilyan ay hindi lamang isang payak na “anti-drugs campaign”. Bagkos, ginagamit lamang umano ito bilang front para likidahin o itumba ang mga potensiyal na karibal sa politika ng dating Pangulo.
Binigyang diin ni Mabilog sa kaniyang “opening statement” na lantarang kinasangkapan ng nakalipas na administrasyong Duterte ang mga law enforcement agencies gaya ng PNP na noo’y pinamumunuan ni Sen. Dela Rosa upang buweltahan ang mga kalaban sa politika. Habang mariing pinabulaanan ng dating mayor na siya ay sangkot sa illegal na droga sa kanilang lalawigan.
“Una po sa lahat I declare that I was not and never will be a drug protector. I don’t know personally nor did I benefit in any way from any illegal drug personality in Iloilo or anywhere else,” pahayag ni dating Mayor Mabilog.
Inakusahan din ni Mabilog si Duterte na ang inilabas nitong “narco-list” ay ginawa nitong “hit list” ng mga kalaban sa politika ng dating administrasyon.
“Pero kung titignan niyong mabuti. Isinama ang mga pangalan ng kalaban sa politika sa isang validated list ng mga personalities sa kasunod na PRRD List,” sabi pa ni Mabilog.