Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Gutierrez

Wastong pagtatapon ng basura malaking tulong upang maiwasan pagbaha

106 Views

WASTONG pagtatapon ng basura malaking tulong upang maiwasan pagbaha

Maaaring ituring na simple pero malaki umano ang maitutulong ng tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbaha.

Ito ang sinabi ni 1Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez bilang tugon sa banta ng paparating na La Niña at sa ginawang pagpupulong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at iba’t ibang ahensya ng gobyerno kamakailan.

“Panawagan po sa ating mga kababayan: magpaka-Grade 1 po tayo, wastong pagtapon ng basura po,” ani Gutierrez na kasama ni Speaker Romualdez sa pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Departments of Public Works and Highways (DPWH), Environment and Natural Resources (DENR), and Interior and Local Government (DILG), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Ang takeaway po talaga sa meeting is that whole-of-nation approach talaga ito. It doesn’t rely only on your national government, it cannot be solely relied on yung mga programs and projects while we are anticipating, of course, the impending crises that come with floods,” ani Gutierrez.

“We also have to focus on yung short term na preventive measures and isa po doon and napag-usapan po doon is we need to have an information drive,” dagdag pa ng mambabatas.

Isa sa tinalakay sa pulong ay ang tamang pagtatapon ng basura bilang pangunahing solusyon upang maiwasan ang pagbaha sa mga lansangan.

“It seems to be the primary concern po ng ating MMDA, ang pagtapon ng ating mga basura, malaki po yung epekto nito,” ayon kay Gutierrez.

Tinalakay din ang pagbibigay atensyon sa magkakaugnay na programa ng pamahalaan upang mapahina ang mga posibleng epekto ng inaasahang La Niña.

“So, nakipag-ugnayan sila, nakipagtalakayan sa mga measures po for La Niña. Lahat ng mga government projects they want more synergy,” ayon sa mambabatas.

“Pinag-usapan po dito short, medium and long term (solutions). In the long term, definitely dito po papasok yung mga national government projects. Dito po yung mga big-ticket, for example, na napaka-importante is ‘yung issue of Laguna De Bay.”

Isa sa halimbawa, ayon kay Gutierrez, ay ang mas maigting na pagkilos at pagtutulungan ng DPWH at MMDA sa pagtugon laban sa baha upang hindi na maulit ang insidente tulad ng nangyari sa NLEX, kung saan binaha ang halos kabuuan ng expressway dahil sa malakas na pag-ulan.

“Definitely, they’re going to be coordinating that na dapat one greater plan po yung flood mitigation. And I believe this is very nag-highlight po rin ito last budget hearing, actually napag-usapan po ito and now they’re actually taking steps towards having a greater flood plan,” dagdag pa ni Gutierrez.

Binanggit din sa talakayan, ang pakikibahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng TUPAD program para sa paglilinis at pagtatanggal ng bara sa mga daluyan ng tubig o mga drainage.

“Yung ating TUPAD po is a program na isinasagawa na to give employment opportunities po sa mga walang trabaho. They may they hope to leverage it po na maging cleaning and greening program po yung TUPAD,” ayon kay Gutierrez.

“Kasi isa pong nakikita ng MMDA, the reason for flooding, although much-improved na po yung Metro Manila, ang isang problema po dito ay yung ating drainage system palaging naka-clog po ng basura,” ayon sa kongresista.

Bukod sa TUPAD, maaari rin umanong makatulong sa flood mitigation projects ang Out-of-School Youth Serving Towards Economic Resiliency (OYSTER).

“Plus, we also have yung OYSTER po, ‘yung youth empowerment program ng MMDA, which sila po yung usually tasked sa pag-clean up ng ating road systems, maintenance, in the same way sila po ita-tap na rin for drainage. So ito po nakikitang medium-term siguro or pwede mong sabihin na short term,” saad pa ni Gutierrez.