Water

Water impounding station vs El Nino itinutulak ni JV

122 Views

Water1ISINUSULONG ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang malawakang pagtatayo ng mga water impounding at retention facility upang maibsan ang epekto ng El Niño at mabawasan ang panganib ng pagbaha.

“Every rainy season, we have an excess of water, but during dry season, we have none at all. If we keep building irrigation canals without securing water sources, it becomes a waste. Water retention allows us to hit two birds with one stone: mitigating floods while preserving water for agricultural dry days,” ani Ejercito sa pagdinig ng Finance Subcommittee G sa panukalang ₱198.4-bilyong budget ng Department of Agriculture (DA) para sa 2027 nitong Miyerkoles.

Hinimok ng senador ang mas maayos na pagtutulungan ng National Irrigation Administration (NIA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagtatayo ng mga dam at imbakan ng tubig.

Ayon kay Ejercito, umikli na ang pagitan ng El Niño, mula tuwing sampung taon ay tuwing tatlong taon na lamang.

Sinuportahan naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang panukala. Binanggit niyang tinatayang ₱500 bilyong halaga ng tubig-ulan ang napupunta lamang sa dagat taon-taon dahil sa kakulangan ng mga pasilidad na sasalo rito.