Anna

WB suportado Marcos admin

124 Views

INIHAYAG ng World Bank (WB) ang suporta nito sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang labanan ang kahirapan sa bansa.

Ayon kay WB Managing Director for Operations Anna Bjerde suportado nito ang pag-unlad ng Pilipinas upang maging poverty-free sa taong 2040.

Nag-courtesy call si Bjerde ang mga miyembro ng Gabinete sa Malacañang at kinausap ang mga ito kaugnay ng development agenda ng Pilipinas para mailinya rito ang mga prayoridad ng bangko.

“The post-pandemic recovery is underway in the Philippines, with strong domestic demand weathering global headwinds. Since 2022, its economy has been growing rapidly, aided by a substantial reduction in COVID-19 cases that facilitated a full economic reopening,” ani Bjerde.

“The World Bank is committed to supporting the Philippines achieve long-term inclusive and sustainable growth, attain upper middle-income country status, and eventually become a predominantly middle-class society by 2040,” dagdag pa ni Bjerde.

Kinilala rin ng WB ang magandang itinatakbo ng mga proyekto nito sa bansa.

Kasama ni Bjerde sina WB Regional Vice President for East Asia and Pacific Manuela Ferro at WB Country Director for the Philippines Ndiamé Diop.