Williams Mikey Williams ng TNT. PBA photo

Williams, Fajardo nagbida sa PBA

Robert Andaya Jul 26, 2022
454 Views

NANGUNA sina Mikey Williams ng TNT Tropang Giga, June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Jio Jalalon ng Magnolia Pambansang Manok sa kani-kanilang kategorya sa 2022 PBA Philippine Cup.

Bagamat hindi nakalaro sa kalahati ng elimination round, si Williams ang nanguna bilang scoring leader sa kanyang 21.7 points average sa anim na laro para sa Tropang Giga.

Sumunod sa 30-year-old na sophomore guard ang kanyang TNT teammate na si Roger Pogoy, na may 19.0 points average.

Samantala, patuloy na naghari ang top Best Player Conference candidate na si Fajardo sa rebounding department sa kanyang 13.5 average kada laro.

Ang six-time MVP’ na tinaguriang “Kraken” ng kanyang mga PBA fans’ ay nanguna sa defensive rebounds (8.4) at offensive rebounds (5.2).

Una din siya sa two-point field goal percentage sa kanyang 63.9 percent shooting, gayundin sa minutes played na 39.2 minutes per outing.

Una naman si Jalalon sa assist department sa kanyang 6.9 average bawat laro.

Sa steals, bida pa din si Chris Ross ng San Miguel sa kanyang 2.7 average per game.

Ang pambato ng Barangay Ginebra na si Japeth Aguilar ang top shot blocker sa liga sa kanyang 2.5 average per game.

Ang iba pang league leaders ay sina

Raul Soyud of NLEX (65.4 percent field goal percentage) Aldrech Ramos ng Terrafirma (89.5 percent sa foul line), Nards Pinto ng Ginebra (assist-to-turnover ratio na 4.6 per game) at Aris

Dionisio ng Magnolia (58.1 percent sa three-point shooting).