Calendar
Willie, nag-aalalang iwan ng 62M followers
NGAYONG araw na ito, Biyernes, ang malaking pasabog ni Willie Revillame kung ano ang magiging hakbang niya sa pagkawala ng Tutok To Win show sa GMA.
Ngayon din ang huling araw ng telecast ng show niya sa Kapuso Network. Tapos na ang kontrata niya sa GMA sa February 15.
Nagsabi na rin siya na mawawala na sa ere ang kanyang show.
Habang nasa GMA, nakalikom si Willie ng halos 62M followers sa kanyang social media accounts sa Facebook, Twitter at YouTube channel.
Nag-aalala rin si Willie kung itong dami ng followers niya, eh, sasama pa rin kapag gumawa siya ng bagong account sa FB at YouTube, huh!
Sa Villar broadcasting network na kaya lilipat ang Tutok To Win?
Tutukan ngayong hapon.
UNA NI RICHARD, HULI NI HEART
TEAM Tonito at Heart (Richard Yap at Heart Evangelista) ang sigaw ng fans na magkatuluyan sa pagtatapos ng Kapuso series na I Left My Heart in Sorsogon ngayong araw.
Ang kalaban ni Richard sa pag-ibig kay Heart sa series ay si Paolo Contis bilang si Mikoy at kababata ni Celeste (Heart) habang nasa Sorsogon.
Ang I Left My Heart in Sorosogon ang pinakamalakas na series ng GMA kasunod ng 24 Oras. Unang series ito ni Richard sa GMA at huling series naman ni Heart.
Sa totoo lang, Heart and Richard look good partners on screen, huh!. Ni Jun Nardo