Women legislators

Women legislators nagbigay ng P200,000 sa PGH Pediatric Cancer Ward

243 Views

NAGBIGAY ng P200,000 donasyon ang Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) sa Philippine General Hospital Pediatric Cancer Ward.

Pinangunahan ni AWLFI president at Bulacan 4th District Rep. Linabelle Ruth Villarica ang isinagawang turnover ceremony.

Upang mas lalong mapasaya ang mga batang pasyente ay nagdala rin ang AWFI ng fried chicken at spaghetti.

Ang PGH ang isa sa mga napili ng AWLFI na bigyan ng pondo na kanilang nalikom sa “PamasCONG Handog: Garage Sale for a Cause III” na ginawa kamakailan sa Kamara de Representantes.

Dumalo rin sa turnover ceremony sina Representatives Anna York Bondoc ng District 4, Pampanga; Laarni Roque ng District 4, Bukidnon; Milagros Magsaysay ng United Senior Citizens Party-list; Lorna Silverio ng District 3, Bulacan; Jane Castro ng District 2, Capiz; at Arlene Brosas ng Gabriela Party-list.

Naroon din sina Dr. Jorge Ignacio, direktor ng UP-PGH Cancer Institute, at Maria Louisa Padernilla, PGH Pedia Hemo Onco Child Life Coordinator.

Si House Committee on Accounts chairperson at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ang chairperson ng AWLFI.