Dy

Working trip ni PBBM sa Japan magbibigay ng positibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas

Mar Rodriguez Feb 10, 2023
232 Views

MALAKI ang paniniwala ng isang Northern Luzon congressman na magbibigay ng napaka-positibong epekto partikular na sa larangan ng pagne-negosyo at investments ang working trip ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa bansang Japan.

Ito ang naging pahayag ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. V na ang pagtungo ng Pangulong Marcos, Jr. sa bansang Hapon ay inaasahang magbibigy ng magandang indikasyon para lalo pang umangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Dy na pinagsisikapan ng husto ng Pangulo na makahikayat ng maraming Japanese investors na maglagak ng puhunan at negosyo sa Pilipinas na magbubukas ng magandang oportunidad para sa mga mamamayan Pilipino sa larangan ng trabaho.

Sinabi pa ni Dy na bahagi ng five-day working trip ni Pangulong Marcos, Jr. ang pakikipag-pulong sa mga Japanese business leaders upang i-pormote at isulong ang Pilipinas bilang isang destinasyon o lugar para sa isang “foreign investment destination”.

Idinagdag pa ni Dy na “optimistiko” din siya na hindi lamang magbibigay ng positibong epekto sa larangan ng negosyo ang limang araw na “foreign trip” ng Pangulo. Kundi babalangkasin din nito ang isang magandang “foreign relation” sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ang isa sa inaasahan ng mambabatas na maitutulong ng Japan para sa Pilipinas ay ang larangan ng enerhiya o energy sa gitna ng napakataas na singil ng kuyente sa bansa.