Slasher

World Slasher Cup simula na

94 Views

NAGSIMULA na ang umaatikabong aksyon sa 2024 World Slasher Cup, na itinuturing ding “Olympics of Cockfighting”, ngayong May 22-28 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang second edition ng 2024 World Slasher Cup ay inaasahang magbibigay ng lubos na kasiyahan sa mga cockfighting aficionados na umaasang makakapanood ng mga kapanapanabik na sagupaan ng mga magagaling na cockers-breeders simula sa elimination round sa May 22-23.

Inaasahan pang lalong tataas ang antas ng aksyon sa semifinals sa May 24 ay 25, na kung saan masasaksihan ang mga elite cockers na aangat sa iba pang mga kalahok.

Magkakaroon naman ng isang one-day break sa May 26 bago ang pre-finals sa May 27.

Sa May 28, inaasahang matutunghayan na ang bagong kampeon na mag-uuwi ng pinaka-aasam na World Slasher Cup.

“The 2024 World Slasher Cup 2nd Edition will surely thrill and excite audiences wherever they come from in the world,” pahayag ni Irene L. Jose, COO of Uniprom Inc.

“The Smart Araneta Coliseum is the place to be for all sabong aficionados as we once again await who’ll come out on top and win the World Slasher Cup,” dagdag pa niya.

Last February 8, naghati sa karangalan ang anim na kalahok sa first edition ng 2024 World Slasher Cup.

Ang mga ito ay sina Fiscalizer Sky March 8 Coliseum De Manila (Fiscal Villanueva and Bogs), Goldquest Hagibis LDI (Osang Dela Cruz), Chicken Joy GF (John Gutierrez), For The Love Of The Game (Joe Paneda/Ron Aguado), FBG Luba (Franny/Joy Brillantes/Jonel Daquiz from Abra), and Thunderbird III (Nene Araneta),na naka-iskor ng 8-1 win-loss record sa pagtatapos ng kumpetisyon.

Ang second edition ng 2024 World Slasher Cup ay lalahukan din ng mga sikat na cockers-breeders mula sa California, Florida, Hawaii, Guam, at Australia.

“The world of cockfighting will converge at the Big Dome for the second edition of the 2024 World Slasher Cup. So don’t miss out on this opportunity to be part of all the action,” pahayag pa ng mga organizers. AA