philippine-sports-commission

Wrestling tampok sa PSC’s Rise Up Shape Up

Robert Andaya Feb 17, 2022
377 Views

ITATAMPOK ang wrestling sa darating na webisode ng Rise Up Shape Up program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PsC) ngayong Sabado.
Ipinahayag ni PSC Commissioner Celia H. Kiram na bibigyan ng kaukulang pansin si Jonathan Arias at ang kanyang sports program na “Teach Me Wrestling”, na una ng pinarangalan bilang

“Proyektong Isport Pangkababaihan” sa nakalipas na 2021 PSC Gintong Gawad.

Itinayo ni Arias ang naturang programa para sa isang rural conservative community sa Tabaco City, na kung saan itinuturing ang wrestling bilang lar9ng pankalalakihan.

Sa nasabing programa, hinihimok nito ang mga batang babae na mag-aral ng wrestling upang mapanatili na din ang kanilang physical at mental na kundisyon.

Sa kasalukuyan, si Arias ay DepEd Teacher II sa Tabaco City.

Napili siya bilang isa saTop 5 Outstanding Teachers sa nasabing siyudad nun 2017.

Bikang coach, nanguna si Arias sa kanyang martial arts team na binubuo ng mga batang babae na nakasungkit ng 17 medals (4 golds, 6 silvers, and 7 bronzes) sa nakalipas na 2018 Women’s Martial Arts Festival.

Nanalo din sila ng 2 silver and 3 bronze medals sa virtual competition nun nakalipas na taon.

Namuno din si Arias para back-to-back championships sa 2017 at 2018 Palarong Bicol.