Yamsuan

Yamsuan iminungkahi pagtatatag ng DCJM

Mar Rodriguez Aug 6, 2023
166 Views

BUNSOD ng mga kontrobersiya sa loob ng mga bilangguan at magulong sistema sa pagpapatakbo o pamamalakad sa Bureau of Corrections (BuCoR) Iminumungkahi ni BICOL SARO Party List Congressman Bryan S. Yamsuan ang pagtatag ng Department of Corrections and Jail Management (DCJM).

Isinulong ni Yamsuan ang House Bill 8672 sa Kamara de Representantes para pag-isahin o ma-unify ang tinatawag nitong “fragmented correctional system” sa iba’t-ibang bilangguan sa Pilipinas kabilang na dito ang National Bilibid Prison (NBP).

Ipinaliwanag ni Yamsuan na sa pamamagitan ng pagtatatag ng DCJM ay matutugunan ang mga kapalpakan sa correctional system kasama dito ang sobrang congestion, limited resources, kawalan ng sapat na supply ng pagkain.

Binanggit din ng kongresista na isa rin sa mga problemang kinakaharap ng mga bilangguan partikular na sa loob ng NBP ay ang umiiral o namamayagpag na corruption kabilang na dito ang mga pang-aabuso. Kaya napakahalaga aniya na ma-centralize ang sistema sa mga kulungan.

“By centralizing the oversight and management of prisons and jails and the rehabilitation of Persons Deprived of Liberty (PDLs) under a single department. The government can achieve a greater efficiency and accountability,” ayon kay Samsuan na inihain ang HB No. 8672 noong August 1, 2023.

Binigyang diin pa ni Yamsuan na malaki din ang maitutulong ng gagawing “centralization” sa mga corrections at penal facilities upang matiyak na magkakaroon ng sapat na funding support at iba pang essential services ang mga kulungan partikular na ang pagsasa-ayos aa living condition ng mga preso.

“Centralizing the management of the corrections, jail management and probations systems would also streamline resources allocations and budgeting. Which will ensure that each penal facility would have adequate funding to support essential services that would contribute to better living conditions of inmates,” sabi pa ni Yamsuan.

Sent from Yahoo Mail on Android