Yamsuan

Yamsuan may lamang na 50K boto vs kalaban sa P’que — SWS survey

22 Views

MAY lamang na 50,000 boto si Congressman Brian Yamsuan laban sa katunggali niya sa darating na halalan bilang kinatawan sa Kongreso ng Ikalawang Distrito ng Parañaque City, ayon sa resulta ng pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey.

Ayon sa survey na isinagawa mula Abril 10 hanggang Abril 14, 2025, si Yamsuan ang pinili ng 54 % ng mga botante sa Distrito Dos ng Parañaque, samantalang ang kalaban nitong si incumbent congressman Gus Tambunting ay nakakuha lamang ng 31 % ng mga boto.

Ibig sabihin nito ay napakalaking 23 % ang lamang ni Yamsuan laban kay Tambunting. Ang lamang na ito ay katumbas ng halos 50,000 na boto.

Si Yamsuan din ang No.1 choice ng mga botante sa lahat ng walong barangay sa Distrito Dos. Mula Barangay BF Homes kung saan siya ang pinili ng 52 % hanggang sa San Martin de Porres kung saan siya ang pinili ng 57 % ng mga botante.

Sa San Antonio ay 47 % ang nakuha ni Yamsuan; 68 % naman sa Marcelo Green; 45 percent sa Don Bosco; 58 percent sa Sun Valley; 69 percent sa Merville; at 53 percent sa Moonwalk.

Bilang independent candidate, naging tuloy-tuloy ang pag-angat ni Yamsuan sa survey. Mula 38 % noong Setyembre 2024 bago ang filing ng certificates of candidacy para sa halalan, umarangkada si Yamsuan sa 51 % sa Nobyembre 2024 at sa 54 % ng Abril ngayong taon.

Samantala, ang porsyento ng mga gustong bumoto kay Tambunting ay tuluy-tuloy na nabawasan mula 44 % noong Setyembre 2024 at muling bumaba pa sa 38% noong Nobyembre 2024 at 31 % ng Abril.