Marian

Yan sa abroad ang shooting ng bagong pelikula

Jun Nardo Jun 5, 2024
80 Views

EXTENDED pala ang My Guardian Alien ni Marian Rivera.

Siyempre, matatagalan uli bago gumawa ng series si Yan kaya naman kailangang samantalahin na ito ng GMA Network.

Tinatapos din ni Yan ang Ciinemalaya movie niyang Balota at ang balita namin, isang movie pa ang gagawin niya na sa abroad ang shooting, huh!

Heart magiging fashion consultant din sa Senado?

HINDI mundo ni Heart Evangelista ang politika pero gusto niyang magtrabaho.

Ito ang naging pahayag ni Heart sa interview matapos siyang manumpa nitong nakaraang araw bilang presidente ng Senate Spouses Foundation.

Senate president ang mister niyang si Senator Chiz Escudero kaya automatic na pamunuan ni Heart ang foundation.

Nasa likod ni Heart ang asawang si Sen. Chiz at handa naman daw siyang mag-adjust lalo na kapag abala siya sa kanyang modellling.

Maging fashion consultant din kaya si Heart ng Senate spouses ngayong belong na siya sa mundo nila?

At least, asawa rin ng senador sina Congw. Lani Mercado at Mariel Padilla kaya may kabagang na si Heart sa bagong mundo, huh!