Isko

Yorme Isko nagbanta: Mga abuso, lalabag sa batas aarestuhin

Edd Reyes May 17, 2025
14 Views

NAGBANTA si Manila Mayor-elect Isko Moreno Domagoso huwag lalabagin ang batas at huwag gagawa ng pang-aabuso sa panahon ng kanyang pamamahala.

Ang babala ay para sa lahat ng mga magtatangkang lumabag sa batas lalu’t sa kanyang pangako ay ang pagbabalik ng kaayusan at katahimikan sa lungsod.

“Pag mali kayo, mali kayo. Kung kinakailangang arestuhin ko sila, I make arrest. That is a promise because that is my commitment to the people of Manila,” pahayag pa ni Yorme Isko.