Azkals Tinangkang agawin ni Philippines’ Dennis Chung ang possession mula kay Cambodia’s Sor Rotana sa kanilang AFF U23 Championship group stage match Huwebes ng gabi sa Phnom Penh, Cambodia. AFF photo

Young Azkals bigo laban sa Cambodia

Theodore Jurado Feb 19, 2022
355 Views

NAHIRAPAN ang Philippines sa 0-1 pagkatalo na nalasap sa kamay mula sa hosts Cambodia upang malagay ang Young Azkals sa bingit ng pagkakasibak sa AFF U23 Championship Huwebes ng gabi sa Phnom Penh, Cambodia.

Ang late goal ni Sin Sovanmakara ang siyang nagbigay sa Cambodians ng anim na puntos upang makalapit sa pagdomina sa Group A sa harapan ng mahigit na 17,000 fans sa Morodok Techo National Stadium.

May isang puntos pa lamang na ipinapakita sa ikatlong puwesto, kailangan ng Philippines, na may tatlong puntos ang layo sa second-running Timor-Leste, na manalo ng malaki laban sa minnows Brunei sa Linggo at umasa ng milagro upang makalagpas sa group stage.

Isang second-placed team lamang ang kukuwalipika para sa semifinal.

Haharapin ng Timor-Leste, na nagposte ng 3-1 panalo laban sa Brunei upang kunin ang unang full points sa competition, ang Cambodia na lalaruin kasabay ng Philippines-Brunei match upang tuldukan ang Group A hostilities sa Linggo.

Ang panalo o draw ng mga Timorese ay siyang mapapasibak sa Young Azkals sa kontensiyon.

Sinabi ni coach Stewart Hall na ang mahinang physical conditioning ng Philippines ang siyang dahilan ng pagkatalo laban sa well-prepared Cambodia side.

“Fitness was always going to be an issue. Some players have not played for quite some time. They were cramping in the closing stages of the match,” sabi ni Hall.

“But the players worked so hard in the game tonight but physically, we were still not there,” aniya.

Tinangka ng ilang beses ng Young Azkals na buksan ang scoring, ngunit pawang bigo sina Sandro Reyes at Miguel Mendoza.