Gutierrez 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez

Young Gun pinalagan VP Sara

139 Views
Sara
Vice President Sara Duterte

Sa pagdeny na mga kongresista pinaghintay ng 17 oras

PINABULAANAN ng isa sa mga lider ng grupong “Young Guns” ng Kamara de Representantes ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi niya pinaghintay ng 17 oras ang mga kongresista sa nakatakdang plenary budget deliberations ng kanyang tanggapan noong Lunes.

“If we take note, the contents of the letter is a reiteration of the answer that they interposed even for the pre-budget deliberations,” ani 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na ang pinatutungkulan ay ang sulat ng Office of the Vice President (OVP) noong Setyembre 11 sa sponsor ng badyet nito na si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Ang nilalaman umano ng sulat ay katulad ng laman ng sulat na ipinadala ng OVP sa House committee on appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na ipinadala bago inaprubahan ng komite ang badyet ng OVP at ipinadala sa plenaryo para sa panibagong deliberasyon.

“In other words, she only repeated that she is leaving it to the House to decide on the fate of her budget. However, it does not say that she will not participate with our processes,” paliwanag ng kinatawan ng 1-Rider Party-list.

“It does not say that she will not attend, it does not say that she will send an authorized representative, so I don’t think the Sept. 11 letter would be any indication of what transpired Monday. So, I don’t think we could have been prepared,” giit ni Gutierrez.

Sa isang Faceboook post, sinabi ng OVP na fake news ang sinabi ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na pinaghintay niya ng 17 oras ang mga kongresista.

Kalakip ng post ang isang pahinang sulat ng OVP kay Adiong, na natanggap nito noong Setyembre 16, nang magsimula ang deliberasyon ng plenaryo sa panukalang badyet.