Ortega House Assistant Majority Leader Paolo Ortega

Young Guns: VP Sara dapat magpaliwanag sa pagpunta sa beach, mag-public sorry

123 Views
Khonghun
House Assistant Majority Leader Jay Khonghun

DAPAT umanong mag-public apology si Vice President Sara Duterte sa mamamayang Pilipino dahil sa umano’y pagsisinungaling nito kaugnay ng pagpunta niya sa beach sa Calaguas Island noong Lunes ng umaga, kung saan itinakda ng Kamara de Representantes ang plenary deliberation ng panukalang pondo ng Office of the Vice President (OVP).

Iginiit ng mga lider ng Young Guns ng Kamara de Representantes na sina House Assistant Majority Leaders Paolo Ortega ng La Union at Jay Khonghun ng Zambales na hindi katanggap-tanggap ang pagsisinungaling ni VP Duterte.

“The Vice President owes the Filipino people an explanation and an apology. This is not the kind of leadership we deserve – where the truth is hidden and lies are told to cover it up,” ayon kay Ortega, na binigyan diin na mahalaga ang tiwala ng publiko sa pamumuno sa gobyerno.

Ayon kay Khonghun, napakahalaga ng katapatan at transparency para sa mga pampublikong opisyal sa pamumuno sa pamahalaan.

“This is conduct unbecoming of any public official, especially the Vice President of the Philippines. Honesty should be a non-negotiable trait for anyone who holds office,” ayon kay Khonghun.

Dismayado rin ang mambabatas sa ipinakitang pambabalewala ni Duterte sa kanyang mga tungkulin, partikular sa deliberasyon ng panukalang budget para sa kanyang tanggapan.

Hindi rin naitago ni Ortega ang pagkadisgusto at labis na pagkabahala sa pagsisinungaling ni Duterte, lalo na’t may kaugnayan ito sa kanyang nakaraang kontrobersyal na pahayag noong 2019 kung saan sinabi niyang ang katapatan ay hindi dapat maging isyu sa mga halalan, habang pinagtanggol niya ang kanyang mga kandidato mula sa regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) na inakusahan ng dishonesty at korapsyon.

Iginiit ng mambabatas na ang ganitong uri ng paniniwala ay nakasisira sa tiwala ng publiko sa mga opisyal ng bayan, aniya: “Kung hindi tapat ang isang opisyal sa bayan, paano natin sila pagkakatiwalaan? The Vice President’s actions reflect a deep disregard for her responsibility to the Filipino people.”

Tinawag ng mga netizen si VP Duterte na “SWOH,” na sa simula ay nangangahulugang “Sara without H” na mabilis na naging “Sara without honesty” matapos ang kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol sa katapatan.

Binigyan diin ng mambabatas na bagama’t walang sinuman ang naniniwalang may perpektong opisyal ng bansa, ang katapatan at pananagutan ang pinakamababang inaasahan ng publiko.

“When you’re caught in a lie, the best course of action is to apologize, not to make excuses,” dagdag ni Khonghun, na hinahamon si Duterte na harapin ang mga kahihinatnan ng kanyang mga ginawa.

Lumabas ang isang police report kung saan nakadetalye ang mga pinuntahang lugar ni Duterte sa kanyang pagpunta sa Camarines Norte.

Sa kabila ng pagtanggi ng kampo ng bise presidente sa alegasyon, lumabas ang karagdagang mga detalye, kabilang ang mga salaysay ng mga saksi at mga post sa social media, na nagpapatunay ng kanyang presensya sa isla.

“This is about integrity. If she cannot be honest about something as simple as her whereabouts, how can we trust her on more important matters?” ayon kay Khonghun, na nagsabing ang ginawa ni Duterte ay isang paglabag sa tiwala ng publiko na nangangailangan ng agaran at tapat na paghingi ng paumanhin.

Pinuna rin ni Ortega ang pamamahala ni Duterte kaugynay sa isyu, na binigyang-diin na ang kanyang pagtanggi na direktang harapin ang sitwasyon ay nakasasama sa institusyong kanyang kinakatawan.

“Ang pagiging bise presidente ay hindi lang tungkol sa posisyon; ito ay tungkol sa integridad at tiwala. This dishonesty tarnishes the office she holds,” ayon kay Ortega.

Binibigyang-diin ng mga mambabatas na ang mga aksyon ni Duterte ay hindi magandang halimbawa para sa iba pang mga pampublikong opisyal, na nagpapahintulot sa isang kultura ng impunity at dishonesty.

“If we allow our leaders to get away with lying, what message does that send to the rest of the government and to the public?” ayon pa kay Ortega.

Hinimok din ng mga mambabatas si Duterte na magmuni-muni, kaugnay sa kanyang tungkulin bilang Pangalawang Pangulo at ang kahalagahan nito, lalo na sa pagiging huwaran para sa mga susunod na pinuno ng bansa.

“The Vice President should set the bar for public service, not lower it,” giit pa ni Khonghun, bilang pagpapaalala kay Duterte sa bigat ng tungkulin ng posisyon na kaniyang kinakatawan.

Binigyan diin pa ni Khonghun na ang “public apology” ay hindi lamang inaasahan kundi kinakailangan para sa tiwala ng publiko.