Carlo Yulo Astig Ka, Carlos.

Yulo pinarangalan ng Digi Plus, Arena Plus

244 Views
Carlo Yulo
P5-million parangal kay Yulo.

PINARANGALAN ng DigiPlus Interactive Corporation at Arena Plus Sports ang makasaysayangpanalo ni gymnast Carlos Yulo sa nakalipas.na 2024 Paris Olympics sa ginanap na media day na tinawag na “Astig ka, Carlos!”

Sa ginanap na pagdiriwang, binigay din ang P5-milyon pabuya para sa pag- sungkit ni Yulo. ng dalawang ginto sa nakalipas n Paris Olympics.

Ang nasabing pagpupugay, na ginanap sa Gateway Cineflex, Cinema 11 sa Araneta Center, ay nagbigay din ng pagkakataon sa publiko at mga media para bigyang parangal ang kahanga-hangang dedikasyon, talento at kasipagan ni Yulo upang masungkit ang dalawang ginto para sa Pilipinas sa Men’s Vault at Men’s Floor artistic gymnastic.

Binigay ni Eusebio H. Tangco, chairman ng DigiPlus)) ang cash price kay Yulo para sa kanyang pinakitang pambihirang kakayahan at pagtatakda ng panibagong benchmark para sa mga atletang Pilipino sa buong mund.

Inihayag din ni Tanco na patuloy nilang susuportahan si Yulo sa para sa mga lalahukan nitong competition sa pamamagitan ng pagpirma nito ng bagong kontrata sa DigiPlus at ArenaPlus.

Inulit niya ang kanyang paghanga kay Yulo dahil sa pagkakapanalo nito sa Paris.

“Ang tagumpay niya ay hindi lamang personal. Iito ay isang tanglaw ng pag-asa at posibilida para sa mga naghahangad na atletang Pilipino na nangangarap gumawa ng kanilang marka sa bu9ng mundo,” wika ni Tanco.

Lubos na ipinagmamalaki ng DigiPlus na suportahan ang isang kampeon tulad ni Carlos,, dagdag pa ni Tanco.

“Ang tagumpay ni Carlos ay isang malakas na paalala na sa tamang dedikasyon, sa pagsusumikap at sa tamang suporta makakamit ng mga Pilipino ang kadakilaan. .”

Sa DigiPlus kami ay lubos na nakatuon sa pagbibigay ng suporta hindi lamang kay Carlos, kundi sa iba pang aspiring athletes na nagsusumikap na matupad ang kanilang mga pangarap, “pagbabahagi ni Tanco.

Bukod sa P5-million, ginawaran rin si Yulo ng isang plake ng pagpapahalaga bilang simbolo ng pasasalamat sa karangalan binigay niya sa bansa.

Nagpahayag naman si Yulo ng pasasalamat sa DigiPlus at Arena Sports sa kanilang walang tigil na suporta.

“Lubos akong nagpapasalamat sa DigiPlus at ArenaPlus para sa pagdiriwang ng panalong ito at pagkilala sa aking pagpupursige” wika ni Yulo.

“Ang tagumpay ay hindi ko magagawa agad agad. Ito ay naging posible dahilsa mga suporta ng mga naniniwala sa akin. Isang malaking karangalan na magkaroon ng mga asama habang hinaharap natin ang mga pangarap para sa atin bayan.” dagdag pa ni Yulo.

Nakasama ni Yulo si Ms. Cynthia Carrion, presidente ng Gymnastic Association of the Philippines (GAP), na nangako na patuloy niyang gagabayan si Yulo at jba pang aspiring mga gymnasts. AA