Frasco

Zambo Sibugay bilang hiyas ng PH suportado ni Madrona

Mar Rodriguez Mar 7, 2024
141 Views

SINUSUPORTAHAN ng House Committee on Tourism ang “commitment” ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco na pagyamanin at paunlarin ang Zamboanga Sibugay sa larangan ng turismo para maging natatanging “hiyas” o gem ng Pilipinas ang nasabing lalawigan.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, chairman ng Committee on Tourism, na karapat-dapat o “worth it” ang pagbibigay ng suporta sa ilulunsad na hakbang ng Tourism Department dahil mayaman sa cultural heritage ang Zamboanga Sibugay.

Binigyang diin ni Madrona na kung tutuusin, maraming lugar sa Pilipinas ang katulad ng Zamboanga Sibugay na napakayaman sa cultural heritage. Kaya napakahalagang mapagtuunan ng kaukulang pansin o suporta ng pamahalaan para ma-transform ang mga nasabing lugar bilang “hiyas” ng bansa.

Ayon sa kongresista, ito ang pagsisikapan o pinagpupunyagian ngayon ng DOT para unti-unting makilala sa buong mundo ang mga natatanging lugar sa Pilipinas na napakayaman sa kani-kanilang kultura. Bukod pa ang mga pinagmamalakign tourist spots o kaya ay magagandang tourist destination.

Muling iginiit ni Madrona na hindi lang naman ang mga magagandang tourist destinations ang bentahe ng isang partikular na lalawigan gaya ng Zamboanga Sibugay. Bagkos, maging ang kanilang mayamang cultural heritage na makaka-engganyo sa mga lokal at dayuhang turista.

Nauna rito, ipinahayag ni Sec. Frasco na sisikapin nitong ma-transform ang Zambonga Sibugay na itinuturing na sentro ng “Zambonga Peninsula” bilang tourism gem o hiyas ng Pilipinas.

“My visit here has been a education. A purview into the vibrant cultural heritage and history of the proud people of Sibugay, one that we can draw from as Filipinos as a source of knowledge as well as rpide. I can see here that you are the gatekeepers of Filipino identity,” sabi ni Frasco.