Calendar
Zarate: Interes ng konsumer ng koryente unahin
INIHAYAG ni Bayan Muna executive vice-president Carlos Isagani Zarate na ang nagaganap na bangayan sa pagitan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay posibleng hindi para sa interes ng mga konsyumer, kundi matatawag itong isang tila “proxy war”.
Sinabi ni Zarate na nangunguna sa mga tunay na isyu na kailangang harapin, ay ang protektahan at panindigan ang interes ng mga mamimili upang matiyak na ang mga rate ng kuryente ay mababa at ang supply ay matatag.
Dapat din aniyang magkaroon ng ganap na pagbabawal sa cross-ownership sa mga sektor, at tiyakin na ang mga umiiral na istruktura o dummy arrangement na lumalabag dito ay mabubuwag at mapaparusahan.
“There should also be an absolute ban on cross-ownership among sectors, and ensure that existing structures or dummy arrangements violative of such are disbanded and penalized. This we believe can decisively address the problem of regulatory capture, where energy officials and regulators are seen as mere puppets of power moguls,” ani Zarate.
Aniya, sa kabila nang pagbabangayan ngayon ng ERC at NGCP, isa na namang pagtaas ng singil sa kuryente ang paparating at ang mga konsyumer ang patuloy na lalong naghihirap.
“It is high time that power companies and regulators should be real protectors of consumers and not those of business interests,” dagdag ng dating Bayan Muna solon.