Zeinab at Ray outdoor ang napiling kasalan

Vinia Vivar Mar 28, 2025
29 Views

Ni-reveal ni Zeinab Harake na ngayong taon na gaganapin ang kasal nila ng kanyang fiancé na si Ray Parks Jr.

Sa panayam ng media sa content creator sa isang event ay nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa kanilang nalalapit na altar date.

Aniya, dito lang sa Pilipinas ang kasal although binalak nila noong una na sa ibang bansa ito gawin.

“Within the year. Dapat mag-a-abroad kami kaso nahihirapan ako ilipad ‘yung mga anak ko. So ang best advice sa akin ni Atty. Joji, ‘magpakasal na muna kayo, tapos saka n’yo ayusin. Para at least, dalawa na kayo, hindi ka na single mom,’” pagbabahagi ni Zeinab.

Asked kung church o beach wedding, aniya, “Outdoor. It’s a Christian wedding. It’s about honoring God.”

Paliwanag pa niya, “’Yung pagmamahalan namin ni Ray, lahat talaga ‘yon. Actually, kaya namin talaga gustong magpakasal kasi gusto namin talaga i-honor si God. Hindi dahil magbe-baby agad, hindi po. Marami pa kami gustong i-build sa future namin nang hindi namin minamadali pero at the same time, gusto lang talaga naming i-honor si God.”