Rodriguez

Zubiri mali sa paniwala pa pwedeng amyendahan ng batas ang Konstitusyon—Rep Rodriguez

192 Views

MALI umano si Senate President Juan Miguel Zubiri sa sinabi nito na maaaring amyendahan ng batas ang Konstitusyon.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman Rufus Rodriguez, kinatawan ng Cagayan de Oro City ang mga batas na nag-aamyenda sa Public Service Act (PSA) ay kinukuwestyon ngayon sa Korte Suprema. Dalawang petisyon umano ang inihain na kumukuwestyon sa constitutionality sa batas na ipinasa upang amyendahan ang PSA.

“Just amending the Public Service Act to change the constitutional provisions prohibiting or limiting foreign investments cannot and will not pass constitutional muster,” ani Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na wala ring foreign airline company, foreign shipping company, o foreign railway company na nag-aplay ng prangkisa upang mabukas ng negosyo sa Pilipinas gamit ang PSA.

“How can foreign companies apply to do business here under the amendments of the Public Service Act when the Constitutionality of these amendments have been questioned in the Supreme Court,” punto ni Rodriguez.

Kaugnay ng pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan sa bansa, sinabi ni Rodriguez na hindi ang Kamara ang nasa likod ng probisyong ito.

Isinusulong ng Kamara ang pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon na nagsisilbi umanong balakid para pumasok sa bansa ang mga malalaking dayuhang mamumuhunan.

“We are appalled by the obstructionist stance of the Senate for economic amendments to our Constitution,” dagdag pa ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na ang Pilipinas ay pangwalo sa 10 miyembro ng ASEAN pagdating sa Foreign Direct Investments.

“Alarmingly, We have been overtaken by Vietnam and Cambodia. We are only ahead of Laos and Myanmar,” dagdag pa ni Rodriguez. “We need to open our economy to attract much needed foreign investments in our country. We need to provide more employment opportunities to our people and more business taxes to finance our socials program.”