Bumunot ng boga sa bar, arestado
Apr 21, 2025
Tradisyong Kristiyano sinasalamin ng Moriones
Apr 21, 2025
Calendar

Nation
1.1M dagdag na botante naitala ng Comelec
Peoples Taliba Editor
Jan 22, 2023
220
Views
UMAKYAT na sa 1.1 milyon ang bilang ng mga nagparehistro para makaboto sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia magtatapos ang voter registration sa Enero 31, 2023. Nagsimula ito noong Disyembre 12, 2022.
Sa bilang ng mga nagparehistro, sinabi ni Garcia na 7,000 dito ang nagparehistro sa pamamagitan ng Register Anywhere Project (RAP) ng Comelec o ang mga registration booth na hindi namimili kung saan nakatira o boboto ang nagpaparehistro.
Ang BSKE ay gagawin sa Oktobre 30, 2023.