1 buwan sarado mga streets sa QC

Edd Reyes Sep 30, 2025
147 Views

ISASARA sa lahat ng sasakyan ang ilang parte ng mga kalsada sa Quezon City upang bigyang-daan ang isang buwang repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sarado na simula Oktubre 1 hanggang 31, mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang eastbound lane ng Aurora Boulevard mula G. Araneta hanggang 20th Avenue at mula sa harap ng PSBA bago dumating ng C-5 Katipunan Avenue hanggang sa hangganan ng Quezon at Marikina Cities.

Isasara din ang southbound ng G. Araneta Avenue mula sa kanto ng Aurora Blvd. hanggang kanto ng N. Domingo St., Quezon City; southbound ng C5 Katipunan Avenue mula sa kabilang kanto ng Capitol Hills Drive hanggang kanto ng C.P. Garcia Avenue sa Quezon City, eastbound ng Quezon Avenue mula sa harap ng Geomachine Co. hanggang kanto ng Scout Santiago; eastbound ng Quezon Avenue sa harap ng Hi-top Supremarket hanggang harapan ng BIR, at southbound ng C5 Katipunan Avenue mula sa kabilang kanto ng Capitol Hills Drive hanggang kanto ng C.P. Garcia Avenue.

Ayon kay MMDA Public Information Office (PIO) chief Sharon Gentalian, inaabisuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong daan upang hindi maabala sa pagsasara ng mga naturang kalye.