Calendar
Negosyante pumalag sa holdaper, pinatay
PATAY ang negosyante na binaril ng isang naka-motor sa harap ng bahay niya sa Quezon City noong Lunes nang hindi ibigay ang pera sa suspek.
Dead-on-arrival sa Quirino Memorial Medical Center ang 36-anyos na biktima dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.
Sa pagsisiyasat ni PCpl Nestor Ariz Jr. ng Criminal Investigation and Detection Unit Quezon City Police District (CIDU QCPD), nangyari ang krimen bandang alas 2:40 ng madaling araw sa harap ng bahay ng biktima sa Brgy. Kamias, QC
Kababa pa lamang sa motorsiklo ng biktima kasama ang isang kaibigan nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek na armado ng baril at nagdeklara ng holdap pero nanlaban ang biktima ng sapilitang kuhanin ng suspek ang pera at mga alahas niya.
Doon na binaril ng suspek ang biktima at saka tumakas.
