Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Romero

1-PACMAN Party List Group imumungkahing magtatag ng Philippine Fruits Authority (PFA)

Mar Rodriguez Dec 14, 2022
162 Views

INILAHAD ngayon ng 1-PACMAN Party List Group sa Kamara de Representantes na ang Pilipinas bilang isang “archipelago” ay sagana at hitik sa iba’t-ibang klase “tropical fruits”. Kaya’t iminumungkahi nitong magtatag ng Philippine Fruits Authority (PFA) na mangagasiwa at mangangalaga sa production ng mga prutas sa bansa.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 819 na isinulong ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong magtatag ng Philippine Fruits Authority (PFA) dahil sa masaganang produksiyon ng prutas sa bansa.

Ipinaliwanag ni Romero na ang tinatawag na “major fruit species” na itinatanim at inaani ay nagmumula sa Pilipinas tulad ng saging, pinya o pineapple, mangga, papaya, durian at iba pang mga prutas. Kung saan, ang saging, pineapple at mangga ay itinuturing naman bilang mga “major fruit export commodities o ibinebenta sa ibayong dagat.

Sinabi ni Romero na ang impormasyong ito o data ay ibinahagi din ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS), Department of Agriculture (DA), Bureau of Agricultural Research (BAR) at Department of Science and Technology (DOST) na kinalap mula 2008 hanggang 2013.

Ayon pa sa mambabatas, mula noong 2013 ang total production ng mga prutas ay umabot ng 12,750,850 metricton na itinanim at inani sa 856,553 hektaryang lupa. Subalit nabawasan ang produksiyon nito noong 2013 bunsod ng pananalasa ng isang malakas na bagyo.

Gayunman, nakikita ni Romero ang isang malaking oportunidad na naghihintay para sa Pilipinas dahil sa kasagaan ng bansa sa fruit production. Kung kaya’t mahalaga ang pagtatatag ng PFA upang pangasiwaan at pangalagaan ang produksiyon ng mga prutas.