Romero

1-PACMAN Party List nominee Milka Romero pinangunahan pagtulong sa Cebuanong senior citizens

Mar Rodriguez Jan 7, 2025
18 Views

PINATUNAYAN ng anak ni 1-PACMAN Party List Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na si Milka Romero na karapat-dapat siyang humalili sa kaniyang ama bilang susunod na nominee ng naturang Party List group sa Kamara de Representantes.

Ito ay matapos pangunahan ng batang Romero, chairman ng 1-PACMAN Party List group, ang pamamahagi at pagpapa-abot nito ng tulong para sa libo-libong senior citizen sa Cebu City kasama na rin sa mga natulungan nito ay ang mga Pilipinong atleta.

Ipinaliwanag ni Romero na ang adbokasiya ng 1-PACMAN Party List ay sumasaklaw sa pangangailangan at kagalingan ng mga atletang Pinoy at lahat ng sektor ng ating Lipunan. Kabilang dito ang mga pamilyang Pilipino, civic communities at Senior Citizens.

“Our advocasy for sports development and youth covers all sectors. From sporting groups to families, to civic communities and senior citizens. Everyone needs to be involved to ensure wellness through sporting excellence in the Philippines,” sabi ni Romero.

Ayon pa kay Romero, malaking papel din ang ginagampanan ng mga senior citizens upang mahubog ang mga kabataan upang lumahok sa larangan ng sports.

“They are enjoying their ripe ages are the best people yo show the youth about why it is so important to care fpr ourselves in body, mind and spirit,” wika pa nito.