Calendar
1 patay, 17 sugatan sa jeep na nahulog sa bangin sa Kalinga
PATAY ang 65-anyos na lalaki habang sugatan naman ang 17 iba pa matapos na mahulog sa bangin ang pampasaherong jeep nitong Martes ng hapon sa Lubuagan, Kalinga.
Nakilala ang nasawi na si Julio Agaton, residente ng lalawigan.
Ayon sa Lubuagan Information Office (LIO), naganap ang aksidente dakong 4:04 ng hapon sa Poway-Ag-agama Upper Uma Access Road, Dangoy, sa nasabing bayan.
Sa inisyal na ulat, lulan ang mga biktima ng pampasaherong jeep at habang paakyat ito sa kalsada ay biglang nawalang ng kontrol sa manibela ang driver kaya’t umatras ang jeep at tuluyang nahulog sa 30-metrong lalim na bangin.
Agd namang rumisponde ang rescue team ng Lubuagan at agad na dinala ang mga pasahero sa Cagayan Valley Medical Center para mabigyan ng paunang lunas subalit idineklara namang dead on arrival si Agaton.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

